Few Moments of Posting in Filipino
8.13.2004
Allow me to rant:
problema sa pinas mayadong maraming kusinero pag niluto ang isang bagay napakadaming nangingialam - kanya-kanyang interes - ung isa gusto matamis, ung isa maalat - ah saglit lang sabi nung isa dagdagan natin ng konting suka - puro epal lahat - lahat kasi may ambisyon pero kaunti lang ang pwesto so sira ang luto... if we have a leader who will sacrifice his liberties for others and allow others to do their job - just so everybody is in the spot light i think it will work. E sa system natin ang artista kaagaw sa TV time ang presidente ang senador ang periodista ang pulis ang reporter ang tambay ang lahat na --- lahat gusto maging sikat.
Dapat sa 'tin pag hindi kayang gawin aba e aminin! - ibigay sa mga kayang dumiskarte. Epal kasi mga pinoy lahat gusto leading role. E sino ang magtataas ng kurtina sa entablado? O di ba sablay??? Hanggat lahat gusto bida lahat gusto kapitan lahat gusto driver palagay nyo kaya uususad tong bansang to? Pakisawsaw lahat kasi! Ang problema halimbawa ng isa problema ng lahat e pano kung lahat direktor? pucha naman paanong hindi mapag-iiwanan e kanya-kanyangreklamo pero pag gagawa turuan. Pikon ako ngayon e alam mo ung trabaho mo minsan gagawin mo ng maayos tapos ung iba sablay makikialam pa edi lalong gumugulo bawal ang epal sa pinas pwede? hay naku... sana lang kasi mga blogger ang ilagay sa pwesto -kung tayo ang pulitiko siguro tapos ang gulo basta walang mag rereklamoor stage mothers. E di malamang walang magbibigay na nakaupo d b? pag nasa pwesto na kasi karera yan e hindi nila kayang magrisk - so hindi na rin sila creative dreamers. Sakayan na lang ng sakayan pag bandwagon dun ... tapos makiki-epal... hay naku... siempre pag pulitiko ka kelangan may staying power ka (parang kanta) anyway so hindi ka pwedeng kumontra sa sistema. wanted creative thinkers...
Pwede ba sa mga bloggers ibigay ang congress ng isang taon? Mag convention mga pinoy na naniniwala sa kakayahan ng pinoy - piliin ang ideang patok basta walang kokontra sa ideal tapos to... kaso ayan nga mga epal e so ano gagawin mo? mangungulangot na lang? (thanks batjay u gave me an idea) magrorosaryo? Manunuod ng TV at tatawa sa ethiopian mother breasts ni keeana reeves na parang ikinabit lang sa rag doll... (thanks ann for the idea) or matutulog? hay...
OK enuf said. angst!!! sarap mag release!
posted by Jdavies @ 8/13/2004,
0 Comments:
The Author
J.Davies
Jdavies lives in Quezon City, Philippines and has been blogging since 2002. A brand manager in a leading technology company and a freelance new media/web strategy consultant, he has refocused his blogging from personal, political & sociological observations, to marketing-related efforts and Internet trends that are relevant to his career and branding advocacies.
About This Blog
This blog is a depot of thoughts and observations on marketing trends which remain personally relevant to the Author as far as his marketing career is concerned. Having evolved from the personal blog of Jdavies, much of the earlier work contained herein are laced with personal speculation, political views, and similar advocacies. These posts are being kept for posterity's sake and for no other reason. No effort is being made to claim that the author will not contradict himself from his previous positions or that such advocacies are absolute.
Contact
Request access to my Linked-in Profile